Sapagkat kung ang mga hair braiders o taga-tirintas ng buhok
sa Boracay ay humingi ng pag-unawa kaugnay sa kanilang kabuhayan sa lokal na
pamahalaan ng Malay bagay na nagpadala ng sulat na kung maaari ay gawin ng
legal ang kanilang propisyon na napili.
Ang mga ambulant vendors gaya ng nagbibenta ng taho at isda
sa front beach ay nagpaabot din ng sulat sa SB na naglalayong mabigyan sila ng
kahit dalawang oras na makapaglako sila sa area na ito.
Gayong ang nasabing mga vendors ay hinuhuli ng MAP o pulis
kapag nakita ang mga ito na nagsasagawa ng kanilang aktibidad sa front beach.
Kaugnay nito, nilinaw ni Vice Mayor Ceceron Cawaling na hindi
ipinagbabawal ang mga naglalako ng taho at isda sa mga eskinita sa Boracay.
Pero sa vegetation area kung saan doon din ang mga turista
ay tila hindi umano pwede.
Dahil dito, aalamin aniya ng konseho mula sa Punong
Ehikutibo kung ano ang saloobin nito kaugnay sa apela ng mga naghahanap buhay
sa front para magawan nila ng Ordinansa ng SB kung kailangan pa o kaya ay ma-rebyu
nila ang ordinansa kung ano ang mayroon na. #ecm112012
No comments:
Post a Comment