Tila hindi man lang natinag ang ilang motorista sa Boracay sapagkat
nitong nagdaang linggo ay marami na rin ang na impound subalit heto at sige pa rin
ang biyahe sa kabila na batid ng mga ito ang kanilang mga kakulangan.
Sa naitala noong gabi ng ika-18 ng Nobyembre, 18 ang
motorsiklong nasa kustodiya ngayon ng Boracay Police habang 9 na mga drivers
license naman ang hawak ng awtoridad.
Ang pagkakahuli sa mga motorista ay sa pamamagitan ng check
point na pinagunahan ni P/Insp. Kennan Ruiz.
Agad naman umanong dadalhin ang mga drivers license na ito
sa tanggapan ng Land Transportation Office o LTO, habang ang mga motorsiklo ay pansamantalang
sa kustudiya ng BTAC.
Inaasahan naman na ang mga nahuling motorsiklo na walang
Permit to Transport (PTO) ay isasama sa iba pang nauna nang nahuli para itakda
na ipadala sa main land Malay gayon bawal na ito sa isla batay sa Executive
Order ng Punong Ehekutibo kaugnay sa Moratorium o pagpapatigil sa pagbibigay ng
PTO sa layuning ang mga rehistradong motorsiklo na lamang ang matira sa isla. #ecm112012
No comments:
Post a Comment