YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 23, 2012

DTI-Aklan, pinag-iingat ang mga konsyumer sa mga produktong bibilhin ngayong nalalapit na Kapaskuhan

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Inaasahang tataas na naman ang mga bilihin at mga produktong kinahuhumalingan ng lahat ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Hudyat din upang ang mga konsyumer ay maaaring tangkilikin ang mga mura o abot-kayang presyo, at isantabi na lamang ang kalidad ng mga bibilhing produkto.

Ang masaklap, kapag hindi naging maingat, ay maaaring mauwi pa sa pagbili ng mga botcha o double dead na karne o di kaya’y expired na produkto ang publiko.

Kaugnay nito, ang DTI o Department of Trade and Industry ay pinag-iingat ngayon ang mga kunsumidor.

Bagama’t nilinaw ni DTI Aklan Director Diosdado Cadena na ang mga suplay at presyo lamang ng mga produkto ang kanilang binabantayan.

Sinabi nito na nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang sektor katulad ng Department of Agriculture, upang matiyak na walang nakakalusot na botcha sa Aklan, kasama na ang Boracay.

Sa mandato na umano kasi ng NMIS o National Meat Inspection Service, na sa ilalim naman ng Department of Agriculture ang pagdetermina kung ligtas o hindi ang mga uri ng karneng ibinibenta sa mga pamilihan.

Idinagdag pa ni Cadena na dapat ay maging vigilante o lalong mag-ingat ang publiko tungol dito, lalo pa’t marami din ang mga nagtitinda ng mga tinatawag na home-made products at backyard slaughter house.

Samantala, maliban sa siniguro nitong walang bocha sa Aklan tiniyak din ng DTI Aklan na magiging ligtas ang publiko kung uugaliin din ng mga itong hanapin at piliin ang mga produktong hindi expire, sumailalim at may tatak ng pag-inspeksyon ng mga otoridad.  

No comments:

Post a Comment