YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 23, 2012

Timbog sa buy bust operation sa Boracay, ihaharap na sa prosecutor

Pormal nang isinampa ang kaso laban sa dalawang suspek na tiklo sa isinagawang buybust operation kahapon ika-20 ng Nobyembre.

Ang suspek na sina Jim Raymond Comula ng Tibiao, Antique at Johnny Kris Delongines ay kapwa nahulihan ng pinapaniwalang illegal na droga.

Ito ay makaraang makuha sa posisyon ng mga ito ang limang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa mismong operasyon na ikinasa ng Provincial Intelligence Branch Operative at Boracay Tourist Assistance Center.

Dagdagan pa dito na nakakuha ng isang .38 calibre ng baril mula sa posisyon ni Delongines.

Kapwa kaso sa pag-iingat at pagdadala ng ipinagbabawal na gamot ang isasampa sa mga ito, kung saan nito umaga lang ay dinala rin sa bayan ng Kalibo para maiharap sa prosecutor. #ecm112012

No comments:

Post a Comment