YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 23, 2012

Bangka ng BIHA, magiging “color coded” na

Makikilala na ang mga bangka na hindi rehistrado sa BIHA kapag naipatupad na ang color coding sa mga bangkang pang-island hopping sa Boracay.

Sapagkat plano ngayong ng lokal na pamahalaan ng Malay na magkaroon ng opisyal na kulay ang mga bangka ng Boracay Island Hopping Association o BIHA.

Ito ay upang madaling makilala kung saang grupo kasali o miyembro ba nila ang mga ito para na rin sa seguridad ng turistang pasahero kapag lehitimong pang-island hopping ang masasakyan.

Nabatid mula kay BIHA Chairman Rigoberto Gelito Jr., na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 280 ang miyembro nila.

Sa dami umano ng bangka ng BIHA, inaasahang hahati-hatiin ang mga ito kapag nagsimula nang mag-iskedyul para sa pagpipintura ang mga sasakyang pandagat na ito.

Pero sa ngayon ay naghihintay pa umano sila ng “go signal” mula sa Punong Ehekutibo kung kailang ito sisimulan at kung saan nila ito gagawin dahil iniingatan din nila na hindi makulayan ang mapuputing buhangin ng Boracay.

Aasahang din umano ayon kay Gelito na sa bawat bangka ay maglalagay na rin ng logo ng LGU Malay. #ecm112012

No comments:

Post a Comment