Sapagkat kung ngayong taon ng 2012 ay umabot lamang sa P280-M
ang pondo na ginugol sa mga proyekto, programa at iba pang gastusan ng Malay
kasama na ang sa isla ng Boracay.
Sa susunod na taon ng 2013, 305 milyong piso na ang pondo na
maaaring gamitin ng gobyerno para sa pagpapatakbo sa bayang ito at ng isla ng
Boracay.
Dahil dito, noong ika-21 ng Nobyembre ay nagkaroon na ng
Budget Hearing sa Sangguniang Bayan ng Malay para sa pagpaplano at alokasyon ng
pondong ito.
Dito ay nakatakdang ipatawag ng SB ang mga Department Heads
ng LGU Malay para masimulan ang pagdinig, kung gaano kalaking pondo ang ilalaan
sa bawat departamento na magsisilbing budget nila sa loob ng isang taon.
Sa pagdinig na gagawin bukas, dito malalaman kung saan at
para sa ano gagastusin ang halaga ng alokasyon.
Ang SB Malay ang may mandatu para magrebyu ng mga pondo o
alokasyon bago ito aprubahan ng Punong Ehekutibo. #ecm112012
No comments:
Post a Comment