Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nasa kustodiya na ngayon ng
Boracay tourist assistance Center (BTAC) ang isang Chinese national matapos
umanong magnakaw sa boutique sa Station 2. Brgy. Balabag, Boracay.
Dumulog sa himpilan ng mga pulisya si Nevaline Gerarde,
25- anyos, tubong Maayon , Capiz, na pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Manoc-
Manoc, Boracay.
Ayon sa blotter report, ino-obserbahan umano ng witness
ang suspetsado habang namimili ito sa mga damitan, nang bigla na lamang nitong
ilagay sa kaniyang bag ang isang dress na nagkakahalaga ng P 1, 900 at isang
t-shirt na nagkakahalaga naman ng P 1, 600.
Nang makita niya ito ay agad niya itong ipinag-alam sa
kaniyang Manager.
Kanila namang nireview nila ang CCTV Footage at dito na
nga nakita ang ginawa ng suspetsado na kinilalang si Chunna Liu,36- anyos,
Chinese national na pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa isla.
Dahil dito, agad na kinompronta ni Gerarde si Liu at
sinabihang ibalik ang kaniyang mga kinuha, ngunit sa halip na ibalik ito ay
hinampas pa nito si Gerarde gamit ang kaniyang bag at nagbitiw ng mga hindi
magagandang salita.
Dahil sa pangyayari, agad nila itong ipinaalam sa mga
otoridad kung saan sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon sa naturang
umano’y pagnanakaw.
No comments:
Post a Comment