Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Puspusan na ngayon ang ginagawang paghahanda ng Aklan
Provincial Police Office (APPO) sa nalalapit na ASEAN Summit, kung saan
inilatag na nila ang mga task force na bubuo para sa pagbabantay sa seguridad
ng nasabing international event na gaganapin dito sa isla ng Boracay.
Ayon kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida
Gregas, nakabuo na umano sila ng task force para sa nalalapit na ASEAN SUMMIT
2017 na gaganapin sa isla sa darating na February 11 hanggang March 2.
Ito umanong preparasyon ay nagpapahiwatig na handa na ang
kanilang hanay para mabantayan ang naturang event.
Nabatid na ang kanilang tema ngayon taon ay
"Partnering for Change, Engaging the World."
Kaugnay nito, ito na ang ikatlong beses ng Pilipinas na
maghost sa ASEAN SUMMIT kung saan ang una ay taong 1987 sa Manila at ang
pangalawa ay sa Cebu nitong 2017.
Samantala, tiwala umano ang Probinsya ng Aklan na
makakaya at magagampanan ng maayos ang mga responsibilidad sa darating na ASEAN
summit sa Boracay.
At tiniyak din na matatapos ito ng mapayapa at
matagumpay.
No comments:
Post a Comment