Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Naging mapayapa o
generally peaceful umano ang pagdiriwang ng bagong taon sa isla ng Boracay sa
kabila ng pagdagsa ng mga turista.
Ito ang sinabi ni
Boracay Tourist Assistance Center o BTAC Senior Police Officer 2 Christopher
Mendoza sa kanilang ginawang operasyon kung saan naging maigting ang kanilang
pagbabantay sa front beach at sa mga lugar na maraming tao.
Aniya, simula
Station 1 hanggang 3 napuno umano ng mga residente, local at foreign tourist ang
baybayin sa pagsalubong ng bagong taon kasabay narin ang panonood ng mga
fireworks display.
Samantala, sinabi
pa nito na wala silang naitalang kaso na may kaugnayan sa firecrackers at stray-bullet
incidents sa pagsalubong ng bagong taon.
Dagdag pa ni
Mendoza, magpapatuloy pa umano ang kanilang pagbigay-seguridad dahil sa walang
tigil na pagdagsa ng maraming tuista sa isla ng Boracay para magbakasyon.
Matatandaang,
generally peaceful din ang naging pagdiriwang ng bagong taon sa isla noong
nakaraang taon ng 2016.
No comments:
Post a Comment