Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naisagawa na ang Final Security Plan bilang paghahanda sa
seguridad sa Sto. Niño Ati- Atihan Festival 2017.
Patuloy na ang isinasagawang pagpupulong sa Kalibo
Municipal Hall kung saan pinangunahan ito ni Kalibo Mayor William Lachica, LCE
Kalibo at Police Superintendent Pedro Enriquez, Deputy PDA kasama ang lahat ng
mga miyembro ng Aklan Festival 2017 Committee on Security, Peace and Order, and
Emergency Preparedness Response.
Sa pulong na ito, inilatag ang mga plano para sa Security
Plan and Task Group Commanders gayundin ang mga miyembro ng Committee on
Security, Peace and Order, and Emergency Response team.
Samantala, inaasahang magiging mapayapa at maayos ang
pinakahihintay na selebrasyon sa pagsapit ng January 9-15, 2017.
No comments:
Post a Comment