Posted January 6, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Aklan District Engineer Noel Fuentebella,
kung saan magkakakaroon muna ng misa at blessing saka sisimulan ang cutting of
ribbon sa Enero 10 araw ng Martes sa alas 7:30 ng umaga.
Aniya, inaasahan namang pupunta ang dalawang Mayor
ng Numancia sa katauhan ni Jeserel Templonuevo at Kalibo Mayor William Lachica,
Governor Joeben Miraflores, Congressman Carlito Marquez at mga kapulisan.
Ang bagong tulay ay magsisilbing one-way at gagamitin ng
mga papa-uwi galing Kalibo, habang ang luma naman ay gagamitin papuntang
Kalibo.
Nabatid, na meron pa silang inaayos sa naturang tulay,
tulad na lamang ng hindi pa nailagay ang ilaw para dito. Sinasabing dahil narin
sa masamang panahon at baka masira lang kung kaya’t ipinagpaliban muna ang
paglalagay ng ilaw sa naturang tulay.
Ngunit siniguro naman ni Fuentebella na agad naman nila
itong ilalagay kung maging maganda na ang panahon.
Sa ngayon ay lalagyan muna nila ito ng pansamantalang
reflectorized sticker para maging guide ng mga motorista.
Nabatid na aabot sa P370 million ang i-pinondo ng DPWH sa
pagpapatayo ng tulay.
No comments:
Post a Comment