Posted January 4, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Kasama sa isinagawang privilege speech ni SB Pagsuguiron
sa 1st Regular Session ng Malay ay ang pag-presenta ng mga
Snorkeling Manifesto na ibinigay umano sa kanya ng mga boatman.
Sa manifesto, nakasulat ang mga pangalan ng mga guest na
dumayo sa snorkeling area at umano’y siningil ng P40 na walang ibinigay na
resibo.
Sa rekomendasyon ni Pagsuguiron, nararapat na gawan ng SB
Resolution ang pag-papahinto pamsamantala ng pagsingil ng snorkeling fee habang
wala pang inilalabas na snorkeling ticket na galing mismo sa Treasurer’s Office
ng Malay.
Anya, papayagan pa rin ang operasyon sa mga snorkeling
area subalit nararapat na tapusin muna ang issue hinggil dito para maiwasan ang
posibleng kurapsyon na mangyayari kapag hindi matukoy kung saan napupunta ang
mga ibinabayad.
Ayon naman kay SB Fromy Bautista, kailangan munang
itanong ang lahat ng ito sa opisina ng Municipal Treasurer’s Office bago bigyan
ng anumang komento para maliwanag sa lahat ang susunod na gagawing aksyon ng
sanggunian.
Nag-ugat ang issue sa snorkeling ticket basi na rin sa mga naging findings ng COA at sa
pagka-diskubre sa mga peke di-umanong ticket at sa umano’y ma-anomalyang
pagsingil ng mga nakatalaga sa mga snorkeling areas sa karagatan ng Boracay.
No comments:
Post a Comment