Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Mahigit kumulang 2,000 kapulisan ang i-dedeploy para sa
nalalapit na ASEAN Summit 2017 na gaganapin sa isla ng Boracay.
Ayon kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida
Gregas, manggagaling umano ang mga ito sa buong Region- 6 at maging sa mga
karatig probinsya nito.
Kaugnay nito,hiling ngayon ni Gregas ang suporta ng
komunidad upang mapanatili ang kaayusan na magsisilbing malaking tulong para sa
ipinagmamalaking isla.
Samantala, ang isinasagawa umanong security plan para sa
Kalibo Ati- Atihan ay katulad din sa seguridad na ipatutupad sa pagsapit ng
ASEAN Summit 2017 kung saan makakasama ang lahat ng mga law enforcers at maging
ang Boracay Action Group.
No comments:
Post a Comment