Posted January 6, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nais ngayon ni SB Jupiter Gallenero at Dante Pagsuguiron
na isailalim na sa lalong madaling panahon ang mga empleyado ng LGU-Malay sa
drug-test.
Ito’y may kaugnayan sa isang security guard na nahuli
nitong buwan ng Desyembre dahil sa pagbebenta ng iligal na droga na umano’y
nagtatrabaho sa ilalim ng LGU-Malay.
Muling binuksan ni Pagsuguiron sa SB session ng Malay ang
usapin kung saan aniya ito umano ay may resulosyon na inaprobahan subalit
hanggang ngayon ay hindi parin na implementa.
Kaugnay nito, suhestyon naman ni Gallenero na kailangan
umanong magpasa ng resulosyon sa opisina ng Human Resource sa lahat ng mga job
order na ni-rerequire sila na magpa-drugtest bago ang renewal.
Ayon kay Pagsuguiron dapat na umanong aksyunan ni Mayor Cawaling
itong pangyayari kung saan nagtataka rin siya dahil matagal na umano itong
naaprobahan ngunit hindi parin nai-implementa.
Aniya, dapat umanong maging vigilante ang LGU sa pag-tanggap
ng mga trabahante kung saan kung sinuman ang may kaso sa droga ay hindi na
dapat i-employ at kung pwede ay suportahan umano ng LGU na sumailalim ito sa
rehabilasyon at bago bigyan ng trabaho.
Samantala, sinabi pa ni Pagsuguiron na kailangan umanong
bigyan ng Memorandum Order ang lahat ng Barangay para kanilang itong pag-usapan kung saan
meron na umanong Memorandum ang mga ahensya ukol dito.
Naniniwala naman si Pagsuguiron na marami paring involve sa
droga na nag-tatrabaho sa LGU kung saan kinakailangan na umano ng final implementation
ni Mayor Cawaling.
Kung matatandaan, itong usapin ay naging Privilege Speech
ni SB Pagsuguiron noong nakalipas sesyon kung saan binabalak itong ipatupad sa lahat ng empleyado
ng LGU Malay.
Ayon sa Konsehal nais niyang tumalima sa maigting na
kampanya laban sa droga ni Pangulong Duterte kung saan ipapatupad umano ito sa
lahat ng opisyal at empleyado ng Malay kasama na ang mga Barangay Officials.
No comments:
Post a Comment