YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 03, 2017

Biktima ng paputok ngayong taon sa Aklan, tumaas - PHO

Posted January 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Provincial Health Officer I, Dr. Cornelio CuachonTumaas umano ngayon sa 29% ang biktima ng  kumpara noong nakalipas na taon 2016.

Ayon kay Provincial Health Officer I, Dr. Cornelio Cuachon, simula December 21 hanggang Enero 1, 2017, labing-apat umano ang mga naging biktima ng paputok kung saan sampu naman noong nakaraang taon.

Aniya, ang apat umano sa labing-apat na biktima ng paputok ay nangyari ng mismong selebrasyon ng bagong taon, habang ang sampu dito ay bago ang bagong taon.

Nabatid na labing-tatlo sa mga biktima ay lalaki at isang babae kung saan lahat naman ng ito ay minor injuries lang ang natamong sugat. Samantala, kabilang umano dito ang 72- taong gulang na lola na naputukan sa kamay habang nanunood ng mga nagpapaputok.

Kaugnay nito, ang mga bayan na nabiktima ng paputok ay Kalibo, New Washington, Numancia, Nabas at Tangalan.

Samantala, magtatagal pa umano ang kanilang monitoring hanggang January 5.

No comments:

Post a Comment