Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Plantsado na ang mga aktibidad para sa Boracay Ati-
Atihan simula sa Enero 7 hanggang 8 ngayong taon.
Magsisimula ang selebrasyon sa sabado na magkakaroon ng pagsundo sa imahen ng Sto.Niño sa tanghali at
sa gabi naman ay ang Kabataan’s Night
kabilang ang Opening Salvo at Hip Hop Dance Competition.
Dagdag pa rito, may mga special guest pa umano na
darating katulad na lamang ni Abra at Andrew E. habang ang Salbakuta naman ay
magpeperform sa araw ng Linggo.
Kaugnay nito sa araw naman ng Linggo ay magaganap ang
2017 Boracay Sto. Niño Ati-Atihan kung saan isang Motorcade at Fluvial Parade ang
sisimulan ng alas- kwatro ng umaga simula sa Cagban papuntang Boracay Rock at
pabalik sa Balabag Plaza na susundan ng isang misa at Tribal Street Dancing
Competition na lalahukan ng iba’t – ibang mga tribo kung saan susundan ito ng prosisyon
sa hapon at awarding night.
Maliban dito, magkakaroon naman ng misa sa Enero 8,araw
ng Linggo sa ganap na alas- sais y medya ng umaga sa Holy Rosary Parish, habang
alas- syete y medya naman ang High Mass
sa Balabag Plaza na susundan ng Tribal Street Dancing Competition.
Nabatid na sa Procession of Sto. Niño Image na gaganapin
ng alas-5:30 ng hapon, gagamitin umano ang main road para dito at magkakaroon
ng short mass.
Ang Boracay Ati-Atihan ay taunang ginagawa sa isla bilang
selebrasyon sa kapistahan ni Sr. Sto Niño na ginanap sa unang linggo ng Enero.
No comments:
Post a Comment