Posted January 2, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Mahigpit na ngayon ang ginagawang pag- iinspeksyon sa
caticlan jetty port ng mga grupo ng coastguard caticlan, ito ay may kaugnayan sa
nalalapit na pagsalubong sa taong 2017 kung saan dagsa ang mga turistang
pumapasok sa isla ng Boracay.
Bukod sa Coastguard, naka- alerto rin ang mga kapulisan
sa pagbabantay sa Caticlan Jetty Port kung saan may kasama silang K9.
Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng bawat
indibidwal na paroo’t parito sa isla bago at pagkatapos ng Bagong Taon. Nais
din nila na maiwasan ang overloading sa mga bangka.
Dagdag pa dito, may nakalagay umanong sila Command Post o
Assistance Desk upang umalalay sa mga pasahero lalo na sa mga may concern o hihingi
ng tulong.
Bukod dito, nais rin nilang maging ligtas ang mga papasok
ng isla na may dalang paputok.
Sa kabilang panig naman, sa Cagban Port nakabantay din
dito ang iba pang grupo ng mga coastguard kung saan puspusan din ang seguridad
na kanilang ipinapatupad.
Kaugnay nito, nagmomonitor rin ang mga naka- assign na
coastguard sa kahabaan ng long beach para naman sa seguridad ng mga naliligo at
mga watersports activities.
Dahil dito, inaasahan namang magiging maayos at payapa ang
pagsalubong sa Bgaong Taon ng mga turista at kapwa Pilipino na magdiriwang sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment