Posted November 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlong bayan ngayon sa Aklan ang positibo sa red-tide
toxin na kinabibilangan ng bayan ng Batan, New Washington at Altavas.
Sa kalatas na inilabas ni Atty. Benjamin Tabios Jr. ng Bureau
of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na naka-address kay Governor
Florencio Miraflores, dito binabalaan ang publiko na mag-ingat sa Paralytic
Shellfish Poisoning (PSP) sa mga nasabing bayan.
Dahil dito, mahigpit ngayong ipinagbabawal ng (BFAR) ang pagkain,
pagkuha, pag-harvest, pag-transport at pagbinta ng shellfish lalo na ang mula
sa Batan Bay at sa mga katabing bayan ng Altavas at New Washington hanggat
hindi bumababa ang level ng toxin nito.
Ngunit pagtiyak naman ng BFAR na ligtas ito para sa human
consumption kung ito ay preska, at nahugasan ng mabuti gayon din kung nakuha
ang kanyang hasang at intestine bago lutuin.
Nabatid na patuloy naman ngayon ang ginagawang monitoring
ng BFAR katuwang ang LGU’s para maprotektahan ang seguridad ng mga tao gayon
din ang fishery industry ng probinsya.
No comments:
Post a Comment