Posted November 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayon pa lang ay tiniyak na ng Caticlan Jetty Port Administration
na maraming malalaking cruise ship sa mundo ang bibisita sa bansa partikular sa
isla ng Boracay sa 2016.
Sa panayam sinabi ni Jetty port administrator Niven
Maquirang na malaki ang maitutulong ng turismo sa isla ng Boracay sa susunod na
taon dahil sa inaasahang pagdaong ng mga cruise ship.
Isa umano rito ang celebrity cruise ship na inaasahang
magdadala ng mahigit sa dalawang libong turista mula sa ibat-ibang lugar sa
mundo.
Ayon kay Maquirang mayroon na umanong mga kumpanya ng
cruise ship ang nag-paabot ng pahiwatig sa kanila na ang Boracay ang isa sa kanilang
magiging cruise tourism sa 2016.
Kaugnay nito tiniyak din ng Wallem Philippines na mayroon
silang mga bagong cruise ship na magdadala ng libo-libong turista na dadaong sa
Boracay sa susunod na taon.
Samantala, dalawa pang barko ang inaasahang dadaong sa Boracay bago magtapos ang taong 2015 kung saan isa rito ang MS Europa 2 ng Hapag-Lloyd Cruises.
Samantala, dalawa pang barko ang inaasahang dadaong sa Boracay bago magtapos ang taong 2015 kung saan isa rito ang MS Europa 2 ng Hapag-Lloyd Cruises.
No comments:
Post a Comment