Posted November 18, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Hinihikayat
ngayon ang Out of School Youth na nasa edad 15-anyos hanggang 30-anyos sa Malay
at isla ng Boracay na pasukin at subukan ang Alternative Learning System (ALS)
Program.
Ayon kay Learning
Facilitator Wilfredo Baon ng Abot Alam House, ang programa umano ng ALS ay para
maturuan ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral, partikular sa elementarya at sekondarya.
Sinabi nito na
nais nilang makatulong sa Out of School Youth na nawalan ng interest na
mag-aral dahil sa problema sa pinansyal.
Samantala,
napag-alaman na kung sino man ang sakaling makapasa na estudyante sa kanilang
ibibigay na exam o acceleration test ay mabibigyan ng oportunidad na makapag-aral
sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Kaugnay nito
maaari namang mag-enroll ang mga interisdado sa pamamagitan ng pag-text sa
numerong 0939-267-6334 o 0916-991-55-59.
No comments:
Post a Comment