Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na kailangang pang makipagsabayan sa pila ang mga
manggagawa katulad ng Construction workers, Laborer at vendors sa Caticlan
Jetty Port.
Ito’y matapos silang bigyan ng hiwalay na linya ng Jetty
Port Administration dahil sa mga pagbabago ng sistema sa nasabing pantalan.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, dadaan
na umano pasakay ng bangka ang mga nasabing manggagawa sa Bravo area sa exit ng
Jetty Port habang may inilaan na rin ritong ticketing booth kung saan sila puweding
bumili ng ticket para sa bangka.
Ngunit sa kabila nito kailangan parin nilang magpakita ng
Identification card (ID) na siyang magpapatunay na sila ay mga manggagawa sa
Boracay.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Maquirang na mananatili naman
ang linya ng ibang workers at residente ng Aklan sa loob ng port kung saan sila
dadaan sa turnstile na nakahiwalay din sa mga turista.
Nabatid na ang bagong sistemang ito ng Caticlan Jetty
Port ay para maiwasan ang haba ng pila pasakay ng mga bangka lalo na ngayong
naghigpit ang Philippine Coastguard sa manifesto at pagsuot ng life jacket na
nagreresulta ng mahabang pila.
No comments:
Post a Comment