Posted November 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa-plano umano ngayon ng Department of Tourism (DOT) 6
na dalhin din sa ibang lugar sa Western Visayas, maliban sa isla ng Boracay ang
mga cruise ship mula sa ibat-ibat lugar sa mundo.
Sa panayam kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant
Kristoffer Leo Velete, mayroon na umanong agent na mula sa malaking kumpanya ng
cruise ship ang gustong mag-tour sa ibang tourist destination sa rehiyon.
Ayon kay Velete, under proposal palang umano ito sa
ngayon pero ito din aniya ang balak ni DOT Regional 6 Director Helen Catalbas.
Sinabi nito na kung sakaling matuloy ang naturang plano
ay isa sa mga magiging distinasyon ng cruise ship ay ang Cogon Island, Isla
Higantes at Ilo-Ilo port sa Iloilo City kasama ang Guimaras island at Antique
Province.
Nabatid na ang Boracay island palang ngayon sa Region 6
ang dinadayo ng cruise ship habang ang Palawan at Metro Manila naman sa ibang
lugar sa bansa.
No comments:
Post a Comment