Posted November 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Planstsado na ang ibat-ibang aktibididad para sa
nalalapit na Santo Niño Ati-Atihan Festival 2016 sa buwan ng Enero sa bayan ng
Kalibo.
Ito ang ipinaabot ni Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Foundation
Inc. (KASAFI) Chairman Albert Menez, sa ipinatawag na meeting kahapon para sa
mga media partner sa darating na Festival.
Simula Enero 8-17 ay ibat-ibang aktibidad ang tampok sa
sampung araw na okasyon, kung saan ilan sa mga ito ay Car Show, Fun Run, Hala
Bira Ati-Atihan Nights, Ati-Atihan Street Bazaar, Kaean-an sa Plaza, Parade of
Festival Showcase, Pagdayaw Kay Sr. Sto Nino, Sinaot sa Kalye, Aklan Higante
Contest, Mutya Coronation Night, Ati-Atihan Street Competition at marami pang
iba.
Ayon kay Menez, ang Ati-Atihan 2016 ay inaasahan nilang
magiging makulay dahil sa ibat-ibang bagong aktibidad na aabangan ng mga
manunuod at ng deboto ni Sr. Santo Niño.
Samantala, ang highlight ng naturang Festival ay sa
darating na Enero 16-17 kung saan maglalaban-laban ang mga grupo na
kinabibilangan ng Tribal Big and Small, Balik-Ati, Modern Groups at Individual
Street Dancing Contest.
No comments:
Post a Comment