Posted November 17, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sasailaim ngayong
Nobyembre 20 hanggang 22 ang Red-Cross Youth ng Malay-Boracay Chapter para sa
training for Youth na may kinalaman sa World Aids Day Celebration.
Ayon kay Rona
Inosencio ng PRC Boracay-Malay Chapter ito umano ay tatawaging YFE o Youth Fear
Education kung saan karamihan sa mga tatalakayin rito ay tungkol sa HIV/AIDS.
Nabatid na ang
mga youth member ng PRC ay mula sa Senior High School ng ibat-ibang paaralan sa
mainland Malay at isla ng Boracay.
Layun umano ng
aktibidad na ito ay mabigyan ng karagdagang kaalaman at impormasyon ang mga
kabataan tungkol sa lumalalang karamdaman.
Sinabi din nito
na ang pag-sailalim sa mga youth member sa training ay para ng sa gayon ay sila
rin ang magbabahagi ng kanilang natutunang kaalaman sa kanilang kapwa mag-aaral
at mga kabataan.
Samantala, ang
World Aids Day ang nakatakdang iseselebra ngayong Desyembre 1 sa ibat-ibang panig
ng mundo na may temang “Getting to Zero.
No comments:
Post a Comment