Posted November
17, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Kasunod ng samu’t-saring reklamo at haba ng pila na
nararanasan ng mga mananakay sa Caticlan Jetty Port, aminado ngayon ang Philippine
Coast Guard na hindi pa organisado ang sistemang ipanapatupad sa nasabing
pantalan.
Ayon sa bagong Detachment Commander ng PCG-Caticlan na si
Lieutenant Junior Grade Edison Diaz, batid nito ang perwisyong dulot ng mahabang
pila at siksikan ng mga pasahero.
Sa isang panayam, nakipagpulong umano ito sa CBTMPC at
Jetty Port offcials kasunod ng implementasyon na dapat lahat ng pasahero o
mananakay ay dapat naka-manifesto at nakasuot ng life jacket bago ito payagan
na pumalaot.
Bagamat naging dahilan ito ng mahabang pila na minsan ay
umaabot ng halos isang oras, ayon kay
Diaz mas mahalaga pa rin ang kapakanan ng mga pasahero lalo na kapag may mga
hindi inaasahang aksidente sa dagat.
Anya, tourist destination ang Boracay at nararapat na
ipatupad ang dapat ipatupad para makita ng mga dayuhan na tayo ay seryoso para
sa maayos na seguridad at serbisyo.
Pinayuhan naman nito ang riding public na mas agahan na
lang ang paghahanda kung ang mga ito ay tatawid ng isla.
Sa ngayon, balak ni Diaz na makipag-dayalogo sa mga
kapitan ng banka at kooperatiba para ipaalalang muli ang responsibilidad ng mga
ito lalo sa pasahero at magbibigay suhistyon kung paano mapabilis ang operasyon
ng mga ito.
No comments:
Post a Comment