Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Ilang araw nalang
ay sasapit na ang pasko at ang bagong taon, kung kayat inalerto na ngayon ng
Aklan Police Provincial Office (APPO) ang buong hanay ng kapulisan sa
probinsya.
Sa mandato ni Aklan
Police Provincial Office Director, Police Senior Superintendent Iver Apellido,
sinabi nito na kailangan ng paigtingin ng mga pulis ang kanilang seguridad sa
kanila-kanilang mga area.
Maliban dito
pinatitiyak din ni Appellido ang seguridad sa mga lugar na dadagsain ng maraming
tao katulad ng shooping malls, parke at mga tourist spot sa probinsya.
Kabilang sa
pinaigting ni Appellido pagdating sa seguridad ay ang isla ng Boracay mga
pantalan at mga bus terminal dahil sa inasahang pagdagsa ng mga taong uuwi sa
kani-kanilang mga lugar.
Kaugnay nito
ipinakansila naman ng hepe ang leave ng lahat ng mga pulis ngayong holiday
season para matutukan ang seguridad na kanilang gagawin hanggang sa pagpasok ng
bagong taon.
Samantala, tulad
ng nakagawian taon-taon, nag-paalala muli si Appellido na maging maingat at
maging vigilante sa tuwing sila ay lalabas ng kanilang mga tahanan dahil maaari
umanong magsilabasan din ang mga taong may masasamang pakay ngayong panahon ng
kapaskuhan.
No comments:
Post a Comment