Posted November 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ipinaliwanag ngayon ng bagong Station Commander ng
Philippine Coastguard Caticlan na si Lt. Idison Diaz ang mahigpit na
implementasyon para sa operasyon ng mga bangka sa Boracay.
Miyerkules nitong nakaraang linggo ng higpitan ni Diaz
ang kautusan na bawal mag biyahe ang mga bangka kung hindi nakasulat sa
manifesto ang pangalan ng mga sakay na pasahero at kung walang suot na life
jacket.
Ayon kay Diaz, matagal na itong naisautos sa hanay ng PCG
ngunit hindi lang ito naipatupad ng mahigpit sa Boracay ng mga nagdaang Station
Commander.
Dagdag ni Diaz mahigpit nila ngayong ipapatupad ang pre-departure
inspection kung saan bago umalis ang bangka ay kailangan muna nilang isumite
ang manifesto kung saan nakasulat ang lahat ng pangalan ng pasahero sa PCG
personnel.
Samantala, ipinaabot naman ni Diaz sa mga pasahero na
kung sila ay may hinahabol na oras na kailangan nilang pumunta ng maaga sa mga
pantalan para maiwasang mahuli sa kanilang mga pupuntahan dahil sa inaasahang
pila sa port lalo na tuwing low-tide.
No comments:
Post a Comment