YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, June 09, 2013

Top Ten Taxpayers ng Malay, paparangalan na ngayong buwan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Paparangalan na ang sampung Top Taxpayers sa bayan ng Malay sa susunod na linggo sa araw ng Sabado.

Ayon kay Malay SB Secretary Concordia Alcantara, isasabay ang nasabing pagbibigay parangal sa mga top taxpayer sa mismong selebrasyon ng ika-64 na anibersaryo ng bayan ng Malay.

Aniya, ito’y taon-taon nilang aktibidad upang mabigyang parangal ang mga stakeholders lalo na sa isla ng Boracay na isa sa mga sentro ng ekonomiya.

Dagdag pa ni Alcantara, inaasahan nila na lahat ng mabibigyan sa nasabing parangal ay ang mga resorts sa isla, kung saan kumikita ng malaki at sakto ang ibinabayad na tax.

Kasabay naman umano nito, magbibigay din sila ng award sa mga Young Malaynon Achiever kung saan pangalawang taon palang nila itong ginagawa.

Ang nasabing Young Malaynon Achiever ay isang halimbawa ng mga kabataan na kung saan nakapagbigay karangalan sa bayan ng Malay at sa kanilang sarili sa pamamagitan nang nakapasa sa anumang mga pagsusulit katulad ng mga Board at BAR examinations.

No comments:

Post a Comment