Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Nakatanggap ng panibagong patrol car ang Boracay Tourist Assistant Center (BTAC) mula sa Aklan Police Provincial Office (APPO) kahapon ng umaga.
Ayon kay Police Community Relations Officer PO3 Cristopher Mendoza, ibinigay ang nasabing sasakyan ng APPO para makadagdag sa nasabing service ng mga pulisya sa isla ng Boracay at para narin sa mabilisang pagrespondi sakaling may mga naganap na komosyon sa Boracay.
Nabatid na ang pagbibigay sa nasabing sasakyan ay ginanap kahapon ng umaga, June 10, 2013, sa Balabag Barangay Plaza kung saan nagkaroon ng maikling programa.
Dinaluhan naman ito ng mga taga-Boracay PNP para sa pormal na pagtanggap ng kanilang panibagong sasakyan.
Kaugnay naman nito, nagbigay din ng fire truck ang ilang mga pribadong sektor sa Boracay Action Group bilang karagdagang pagserbisyo.
Samantala, benidisyunan naman ni Rev. Fr. Arnold Crisostomo, ng Holy Rosary Parish Church sa Balabag ang mga nasabing sasakyan.
No comments:
Post a Comment