YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 11, 2013

Nag-island hopping na mga Chinese national sa Boracay, nag-panic matapos masiraan ang sinasakyang bangka

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Minarapat ng walong Chinese national na nag-a-island hopping kahapon ang mag-report sa Boracay PNP, matapos masiraan ang bangkang sinasakyan.

Ayon sa report, pabalik na sila mula sa pag-a-island hopping nang mawalan umano ng balanse ang bangka at masiraan.

Pinasok din umano ito ng tubig kung kaya’t nabasa ang kanilang mga gamit lalo na ang kanilang mga gadgets.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment