Gumaganda na ang tubo ng mga reef corals sa isla ng Boracay.
Ito ang may pagmamalaking inihayag kahapon ni Boracay Foundation Incorporated President Dionisio Salme, kaugnay sa dalawang taon na nilang proyekto.
Kung saan kaagapay umano nila sa pangangalaga at mahigpit na pagmomonitor ay ang mga taga bantay dagat, BFI Marine Biologist, LGU Malay at ang Municipal Agriculture’s Office o MAO.
Ayon pa kay Salme, upang lalong dumami ang mga korales ay may tinatawag silang nursery kung saan doon nila ito itinatanim.
Kung tumubo na ay kanila itong nililipat at ipapalit sa mga korales na nasira na.
Maging ang mga boatman umano ay nabigyan din ng instruksyon kung saan nila pwedeng ihagis ang kanilang mga angkla upang hindi matamaan at masira ang mga korales.
Bukod dito, dalawang linggo na aniya ang nakaraan nang pumunta ang grupo ng LGU at Marine Biologist ng BFI sa UP MSI o Marine Science Institute, para magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa pagpapalago ng mga korales na ito sa isla.
Nabatid na ang positibong resulta ng proyekto ng BFI ay taliwas naman sa hindi magandang nangyayari ngayon sa iba pang coral reef project sa isla.
No comments:
Post a Comment