YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 12, 2013

Pagransak sa principal’s office ng Lamberto Tirol National High School sa Yapak, kahapon, may suspek na

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

May suspek na sa pagransak kahapon sa principal’s office ng Lamberto Tirol National High School sa Yapak, Boracay.

Sa nakalap na imbistigasyon ni PO3 Ariel Naral ng Boracay PNP, estudyante umano ang itinuturong suspek ng mismong eskwelahan, na pumasok sa opisina ng punong guro.

Sa pakikipag-ugnayan naman ng himpilang ito kay Head Teacher Val Casimero, pinasok umano ng suspek ang kanyang opisina sa pamamagitan ng pagsira sa aircon doon.

At dahil sa butas na dinaanan ng suspek, sinabi din ni Casimero na isang bata ang suspek.

Samantala, kaagad din umano itong nagreport sa mga pulis nang matuklasang niransak na pala ang nasabing kuwarto.

Bukas ang mga cabinet at ninanakaw umano ang lap top na bigay ng munisipyo ng Malay.

Maliban sa lap top, wala na rin umanong iba pang ninakaw sa loob ng nasabing opisina.

Ayon pa kay Casimero, maging ang opisina ng punong barangay ng Yapak ay gumawa na rin ng hakbang tungkol sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment