Nakalutang pa rin sa ngayon ang kasong pagpatay sa Ati leader na si Dexter Condez.
Ayon kay Rev. Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish Boracay, hinintay na lamang nilang maisampa ang kaso sa korte, kung mapatunayang may probable cause laban sa suspek na si Daniel Celestino.
Kasabay nito ay ang desisyon ng provincial office ng Aklan para sa pagpapatakbo ng nasabing kaso.
Matatandaang nangyari ang pagpatay sa Ati Youth Leader Spokesman na si Dexter Condez noong Pebrero 22 ng kasalukuyang taon, habang naglalakad ito pauwi sa kanilang Village sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc Boracay.
Pinaniniwalaang may kaugnayan sa lupa ang pagpaslang sa nasabing biktima.
Samantala, tumanggi munang magbigay ng pahayag si Crisostomo, kaugnay sa Cease and Desist Order na ibinaba ni Judge Elmo del Rosario ng Regional Trial Court RTC Branch 5 sa Kalibo, Aklan sa mga taga Ati community kamakailan lang.
No comments:
Post a Comment