Matatapos na ang sewer line na bahagi ng waste water network expansion ng Boracay Water Company (BIWC) sa Bolabog sa susunod na buwan ng Hulyo.
Ito ang tugon ni BIWC Customer Service Officer Acs Aldaba, kaugnay sa dulot na abala ng proyekto sa mga residente at estudyante ng Boracay National High School lalo na at panahon na ng tag-ulan.
Bagamat inamin ni Aldaba na ang proyekto ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na sitwasyon sa nabanggit na lugar, sinabi nito na ang pagkakaroon ng sewer line ay makakatulong para maibsan ang mga pagbaha at pag-ipon ng tubig sa loob ng paaralan na matagal na ring suliranin.
Ang pagkonekta ng mga kabahayan sa sewer line at pag-monitor sa mga illegal connection ay ilan sa mga hakbang na tumatalima sa kanilang proyekto na makakatulong sa pangangalaga sa kapaligiran.
Wala rin umano silang nakikitang panganib dahil sinisiguro ng contractor na hindi sila mag-iiwan ng open-excavation na maaring magdulot ng sakuna.
Samantala, humingi rin ng paumanhin at pag-iintindi ang BIWC sa publiko sa dulot na abala sa kalsada ng Bolabog, at pipiliting matapos ito sa buwan ng Hulyo.
Ang proyekto na ito ng BIWC ay bahagi ng kanilang expansion para sa sewer o wastewater network para na rin sa lumulubong turistang bumubisita sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment