YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 11, 2013

Mga mag-aaplay ng building permit kailangang may construction plan --- DOLE

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Atensyon sa mga contractors na planong mag-aply ng building permit sa LGU Malay!

Dapat pala ay dadaan muna kayo sa Department of Labor and Employment (DOLE) at magpakita ng inyong construction plan.

Sa pakikipanayam ng himpilang ito kay DOLE Aklan Head Vidiolo Salvacion, sinabi nito na hindi dapat mag-issue ng building permit ang LGU kung walang construction plan.

Ang construction plan umano ay para din naman sa kapakanan at kaligtasan ng mga manggagawa.

Kaugnay nito, iginiit ng DOLE na requirement talaga para sa mga contructors ang nasabing construction plan.

Samantala, sinabi din ni Salvacion na nitong nagdaang taon ay nagbigay na sila ng oryentasyon sa mga taga-LGU building officers kaugnay dito, subalit hindi na umano nasusunod.

No comments:

Post a Comment