YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 12, 2013

Puka Beach sa isla ng Boracay naging kontrobersyal sa sesyon ng SB Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Naging kontrobersyal ngayon ang pagkakapasok ng Puka Beach ng isla ng Boracay sa 100 Best Beach in the World survey ng CNN travel website.

Sa sesyon kasi ng SB Malay kahapon ng umaga, binuksan ni SB Member Jonathan Cabrera ang usapan kaugnay sa pagdaong ng isang malaking barge sa nasabing lugar.

Sa privilege hour ng sesyon kahapon ay ipinaabot nito ang kanyang saloobin, kung bakit sa kabila ng pagkilala sa Puka Beach na tahimik na lugar sa Boracay ay dinaungan lamang ito ng isang malaking barge.

Kaugnay nito, kinuwestiyon din ni Cabrera kung bakit at papaanong basta na lamang pinapayagan ang mga malalaking barge.

Samantala, sa kalagitnaan ng usapin ay minarapat namang magsuhestiyon ni SB member Wilbec Gelito na i-review o repasuhing muli ang kanilang mga ordinansa tungkol dito, lalo pa’t nabuksan din ang tungkol sa mga special permit.

No comments:

Post a Comment