YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 12, 2013

DOT Regional Director Atty. Helen Catalbas, dumating sa Boracay para sa isang press conference

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Dumating kahapon sa Boracay si DOT Regional Director Atty. Helen Catalbas para sa isang luncheon press conference sa Biyernes.

Ayon kay Boracay DOT officer in charge Tim Ticar, sasagutin ni Catalbas sa nasabing presscon ang iba’t-ibang katanungan kaugnay sa mga isyu sa Boracay.

Bagama’t aminado si Ticar na maging siya ay walang ideya kung anong partikular na concern ang pakay ni Catalbas, naniniwala umano ito na ang pagdating ng nasabing director ay may kinalaman din sa mga environment related issues sa isla.

Mismong si Atty. Catalbas din umano ang spokesperson para sa Regional Technical Working Group na binuo ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III para sa Baguio at Boracay.

Samantala, nabatid na inatasan ni Pangulong Aquino ang mga miyembro ng technical working group para sa komprehensibong plano upang mapangalagaan ang tinaguriang assets ng bansa katulad ng Baguio at Boracay.

Ang technical working group na ito ay kinabibilangan ng DOT, DENR, DILG at Local Government ng Malay.

Kaugnay nito, isang press conference na pangungunahan ng DOT Region 6 ang gaganapin sa darating na Biyernes sa isang resort sa Boracay.

No comments:

Post a Comment