Naging “zero crime” ang isla ng Boracay mula pa kahapon sa
kasagsagan ng selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan.
Ayon kay PO2 Bobby Abayon ng Boracay Tourist Assistance
Center, wala silang anumang naitalang anumang heinous crime simula pa kahapon
hanggang ngayong umaga, maliban na lamang sa isang umano’y kaso ng pambabanta
dulot ng kalasingan.
Naniniwala si Abayon na naging mapayapa ang isla ng Boracay,
dahil sa selebrasyon ng Ati-atihan sa bayan ng Kalibo mula pa nitong Sabado.
Marami umano kasi ang mga tao mula dito sa Boracay, maging lokal
na residente at mga turista ang dumayo doon.
Maging ito na dumalo din doon sa bispera ng Ati-atihan
nitong Sabado ay nakapansing mas marami ang mga tao ngayong taon kung
ikukumpara sa mga nagdaang taon.
Samantala, ikinatuwa naman ng Boracay PNP ang naging
sitwasyon ng isla, dahil sa nasabing selebrasyon sa bayan ng Kalibo. #bcd012013
No comments:
Post a Comment