Nalalapit na ang huling State of the Province Address o SOPA
ni Aklan Governor Carlito Marquez.
Kung saan gagawin ito sa ika-6 ng Pebrero ng taong ito,
kasabay ng ika-5 Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan o SP.
Nabatid mula sa kalihim ng SP na si Odon Bandiola, na sa
ngayon ay naghahanda na ang Presiding Officer ng mga Board Member sa Aklan na
si Vice Governor Gabriele Calizo-Quimpo para sa mga i-imbetahan na posibleng
dadalong mga bisita sa gagawing SOPA ni Marquez.
Aasahan umano na iimbitahan din ang lahat ng Alkalde ng mga
bayan sa probinsiya, mga namumuno sa mga departemento at ahensiya sa Aklan,
ganon din si Congressman Florencio Joeben Miraflores at Ang Kasangga Partylist Representative
Teodorico Haresco Jr.
Ang gagawing SOPA na ito ng gobernador ay siyang ika-siyam
nitong ulat sa mga Aklanon kaugnay sa mga nagawa at mga pagbabago sa Aklan sa
loob ng pamumuno nito sa tatlong termino o siyam na taon simula noong 2004.
Bagamat, ito na ang huling termino ni Marquez at matatapos
na ang panunungkulan nito sa Hunyo kapag naideklara na ang bagong gobernador ng
Aklan sa gagawing May 13 Midterm elections, sasabak pa rin si Marquez sa pulitiko,
dahil ito ngayon ang ipinalit sa pwesto ni Haresco bilang kinatawan ng Kasangga
Party list. #ecm012013
No comments:
Post a Comment