Nasa P78-milyon ang alokasyong pondo para sa operasyon sa taong
2013 ng Caticlan at Cagban Jetty Port.
Sa alokasyong ito na ibinigay ng pamahalaang probinsya, halos
nasa P30-milyon ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang ang
mapupunta sa pasahod ng mga empleyado, kabilang ang mga security guard at
utility ng dalawang pantalan.
Aasahan naman ngayong taon na may mga idadagdag umano sa
pasilidad sa pantalang ito gaya ng metal detector o x-ray machine para sa
operasyon ng RORO sa Caticlan Port.
Maliban dito may ilang mga konstraksiyon din umanong gagawin
doon.
Kaya’t tinaasan na rin umano ang pundo ng Jetty Port mula sa
dating pondo noong 2012 na nasa P60-milyon lamang na ginawa na ngayong P78-milyon.
Samantala, gamit ang milyon-milyong pundong ito, umaasa naman
ang pamahalaang probinsiya na maaabot nila ang target collection para sa taong 2013
na P260-milyon.
Kung saan noong nakalipas na taon ng 2012 ang target
collection ay P118-milyon.
Pero dahil sa noong buwan umano ng Mayo ay tumaas ang singil
sa terminal fee, kaya nahigitan nila ito, na umabot pa sa P175M ang surplus sa
koleksiyon. #ecm012013
No comments:
Post a Comment