Mistulang hindi matanggap ng Sangguniang Bayan ng Malay ang aksiyong ginawa ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa pag-aapruba ng bagong taripa ng Boracay Island Water Company o BIWC.
Sapagkat tila pinaglaruan umano ang konseho ng TIEZA, at mistulang
nagsinungaling pa sa kanila, kaya duda na sila sa kredibilidad ng ahensiyang
ito.
Ito ay makaraang makita ng mga konsehal na noong ika-18 pa pala
ng Disyembre ng nakalipas na taon inaprobahan ng TIEZA Board ang bagong taripa
ng BIWC sa panininggil sa serbisyo ng tubig.
Subalit, sa sulat na ipinadala ni Atty. Marites Alvares,
Officer In-Charge ng Regulatory Office ng TIEZA sa Boracay na may petsang
ika-11 ng Enero.
Nakasaad doon na ang taripa ng nasabing kampaniya ang tubig
ay hindi pa naa-aprobahan kaya ang mga mayroong suhistiyon, apela o tanong ay
kinokonsidera parin ng tanggapan nila.
Subalit nadiskubre ng SB Malay na aprubado na pala ito, kaya
malinaw umano itong panlilinlang sa kanila o kaya ay nagpapakita lamang na wala
koordinasyon si Alvares sa ibang taga TIEZA Regulatory Board, kung bakit hindi
nito alam na aprobado na pala, taliwas sa laman ng kaniya sulat.
Bunsod nito, nagpahayag ng pagkadismaya ang mga konsehal sa
aksiyon na ito ng TIEZA.
Maliban dito, pinuna ng konseho ang legalidad ng isinagawang
Public Hearing ng TIEZA noong Disyembre ng 2012.
Anila, kung bakit ang regulatory body o board pa mismo ang
magpi-presenta sa publiko at siyang dumidepensa pa, na sa halip ay ang may
proposisyon o ang BIWC ang dapat na gumawa nito.
Dahil dito, balak ngayon ng SB na gumawa ng aksiyon para kuwestiyunin
ang legalidad sa pag-aproba ng TIEZA sa bagong taripa ng BIWC na ipapatupad sa
susunod na buwan.
Ang mga pahayag na ito ng konseho ay isinagawa sa sesyon ng
SB nitong umaga, ika-22 ng Enero sa kanilang privilege hour. #ecm012013
No comments:
Post a Comment