Tiwala si Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang
na ngayon 2013 ay makaka-usad na ang kontrobersiyal na proyektong reklamasyon
ng probinsiya.
Sapagkat sa ngayon ay may ilang dukomento lamang umano na
dapat isusumite ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa
Supreme Court na siyang may hawak na kaso para mapatunayang hindi naman
makakapagdala ng problema sa kapaligiran ang proyekto ito.
Kung saan ito na lamang umano ang kulang ngayon.
Kampante din ito na babawiin na rin ng Korte Suprema ang Temporary
Environmental Protection Order o TEPO na ibinaba laban sa pamahalaang
probinsiya na siyang may proposisyon ng reklamasyon.
Kung maaalala, hiniling ang TEPO ng Boracay Foundation
Incorporated o BFI nang magsampa ng kaso sa SC laban sa proyekto.
Kaya pinatigil ang ginagawang pagtatambak sa 2.6 hectar na
reklamasyon doon.
Subalit, nitong ika-tatlong bahagi ng 2012 ay nagpahayag na ang
BFI ng pagsuporta sa proyekto.
Dagdagan pa ng ginawang pag-endurso ng Sangguniang Bayan ng
Malay at Caticlan Barangay Council.
No comments:
Post a Comment