Nakatakda palang pag-usapan ng tatlong committee sa Sangguniang
Bayan ng Malay kung ano ang posisyon nila kaugnay sa underwater tunnel para sa
Boracay.
Sa isinagawang sisyon nitong Martes, ika-22 ng Enero, bagamat
inaksiyunan ng konseho ang panukalang pag-entertain sa propisisyon ng Pharcos
Philippines Inc. na siyang balak na gumawa ng underwater tunnel na magkokonekta
sa Boracay at Caticlan.
Mayroong mga bagay pa rin umano na dapat ikonsidera ang
konseho pagdating sa proposisyong ito.
Kaya ipinagkatiwala na ng SB sa tatlong komitiba ang
diskasyon hinggil dito.
Kung saan, nasa mga committee na ng Tourism, Infrastructure
at Environment na ang desisyon kung anong aksiyon at kung ikukonsidera ba ng SB
ang proposisyon na ito.
Sa oras naman na maisalang na ito sa committee report, doon
na magdidesisyon ang SB kung iimbitahan na ang Pharcos Philippines Inc. upang ilatag sa
konseho ang kaugnay sa Underwater tunnel na ito.
Kung maaalala, ang nasabing kumpaniya ay nagparamdam tatlong
linggo na ang nakakalipas sa paraan ng e-mail kay SB Member Dante Pagsugiron at
nagpahayag ng kanilang interes na maglalagay ng underwater tunnel sa Caticlan
papuntang Boracay. #ecm012013
No comments:
Post a Comment