Temporary Restraining Oder o TRO lamang ang makakapigil sa
pagmahal ng singgil sa serbisyo ng tubig ng Boracay Island Water Company o BIWC.
Kaya naman balak ngayon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan
ng Malay na humiling ng TRO sa Korte upang hindi muna maipatupad ang dagdag
singil sa tubig ng BIWC.
Kung saan batay sa mga binitiwang mga pahayag ng konsehal sa
isinagawang Privilege Speech sa sesyon ng SB kahapon, ito lamang ang nakikita
nilang paraan para protektahan ang interes ng mga konsumidor.
Nagtulak sa konseho para sa panukalang paghingi ng TRO ay
ang pagduda nila sa proseso o pamamaraan ng Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority o TIEZA na siyang Regulatory Body ng BIWC sa pag-apruba
ng bagong taripa ng nasabing kampaniya ng tubig.
Bunsod nito, bago paman umano gumawa ng hakbang ang SB, nais
muna nila itong ikonsulta sa abogado para sa legalidad ng binabalak nilang
gawin.
Kung maaalala, una nang hinyag ng BIWC na sa susunod ng
buwan ay sisimulan na nila ang pagpapatupad sa bagong taripa na inaprobahan ng
TIEZA. #ecm012013
No comments:
Post a Comment