Kinunsidera ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na bigyan
na lamang ng extension ang mga stakeholders sa Boracay at Malay sa pag-renew ng
business permit.
Ito ay dahil sa mabagal na proseso sa pagkuha ng mga require
palang ng isang empleyado para pag-renew ng business permit ng employer.
Isang buwang palugit ang panukalang idagdag sa araw ng
pagre-renew, gayong sa Ika-21 sana ng Enero ang deadline na siyang na-aayon sa
batas.
Subalit dahil sa nakita ng Sangguniang Bayan ng Malay na may
nai-ambag namang problema ang mga departemento ng lokal na pamahalaan ng Malay
at mga barangay sa Boracay para maantala ang proseso.
Sa halip na magtapos na ngayong ika-21 ng buawang ito, balak
ngayon ng konseho na palawigin ito hanggang sa ika-20 ng Pebrero ng taong
kasalukuyan ang deadline sa pagrenew ng business permit. #ecm012013
No comments:
Post a Comment