Ito ngayon ang pinuproblema ng Sangguniang Bayan ng Malay
dahil sa matagal at nakakairitang pagproseso sa mga dukomento para sa pagrenew
ng business permit sa Boracay at Malay.
Sapagkat marami umanong hinihinging requirements sa mga
empleyado ang mga departamento ng LGU at Barangay dagdagan pa ng mabagal na
serbisyo, rason para maantala ang pag-release mga dokumento.
Kung iisipin umano dapat ang LGU ang humingi ng requirements
na ito, kaya dapat maging mabilis din ang serbisyo para hindi maaantala ang
kawawang mga empleyado, lalo na sa Boracay.
Unang pinuna ni SB Member Rowen Aguirre na sinang-ayunan
naman ng lahat ng konsehal, ang umano ay inaabot ng halos dalawang linggo bago
mabigay ang Barangay Clearance sa dami din requirements na hinihingi na wala
namang basehan.
Dagdag pa dito ang requirement sa medical ng mga empleyado
na minsan ay nagpapalala din umano sa bagal ng pagproseso sa business permit.
Gayong kung titingnan aniya, ang mga empleyado at
negosyanteng ito ay lumapit sa sa kanila upang magbayad ng kanilang obligasyon
o buwis, pero bakit pinapahirapan pa.
At minsan ay nakakatikim pa ng hindi magandang karansan.
Bunsod nito, nangmunkahi ang konseho na oras na rin umano
para rebisahin o siliping muli ang requirements na ito na hinihingi ng LGU
Malay para sa pagrenew ng permit, dahil ang iba dito ay tila hindi na rin naman
kailangan.
Para hindi naman maaksaya ang panahon ng mga empleyado ay
maging ng mga stakeholder sa pagproseso at paghihintay sa dokumento na
kailangan para sa business permit, hindi man ngayon kundi para sa susunod na
mga taon. #ecm012013
No comments:
Post a Comment