Bukas ay bisperas na ng Ati-atihan sa bayan ng Kalibo.
Kaya naman masisilayan na rin ang makukulay at iba’t ibang
uri ng mga costume ng mga tribu para sa 2013 Ati-atihan Festival.
Sapagka’t alas syete y medya bukas ng umaga ay sisimulan ang
parada ng mga kalahok na tribu doon.
Bunsod nito, aasahang mapupuno na naman ng mga debotong
pinahiran ng uling, mga tribu at mga manonood ang pangunahing kalye sa bayan ng
Kalibo.
Maging ng mga turista na nagmula sa iba’t ibang lugar sa
bansa at ng mga dayuhang nagmula dito sa isla ng Boracay.
Napag-alamang 31 tribu ang makikitang sasayaw sa kalye bukas
sa iba’t ibang kategorya.
Ang mga kategorya ay ang “Balik-Ati”, modern group, small at
big Tribal at indibidwal contestants.
Kasabay ng paradang ito, gaganapin din ang judging sa mga
tribu, kung sino ang mananalo sa kumpitisyon ngayong taon.#ecm012013/bcd012013
No comments:
Post a Comment