Pasok sa listahan ng mga illegal na istraktura sa Boracay ng
DENR ang Cagban Jetty Port.
Maliban sa pantalang ito sa Cagban, ang tatlong palapag ng Tourist
Life Guard, Rescue and Communication Center sa Front Beach, kasama din na listahan na nasa
plano na ngayon para alisin ng Boracay National
Task Force.
Ito ay kasunod ng ipapatupad na paglilinis sa Beach Line ng islang
ito alinsunod sa Presidential Declaration o PD 1064 ng Department of Environment
and Natural Resources o DENR, partikular ang 25+5 meter easement.
Kabilang din sa listahan ng tatanggalin ang mga seawall at
bakod na inilagay ng mga establishments sa front beach, restaurant at maging mga
resort na nakadikit o nakapatong na sa mga bato sa area ng Sitio Diniwid at
ilang pamamahay sa Sitio Tulubhan, Manoc-manoc.
Ibig sabihin hindi lamang front beach ang pukos, kundi buong
isla na ng Boracay.
Hindi rin umano makakaligtas ang ilang istraktura sa Back
Beach o sa Bulabog Area sapagkat maging ang mga cottages doon na pasok sa 25
metro mula sa baybayin ay aalisin na rin.
Kung maaalala, una na ring sinabi ng DENR na mayroong ilang
government structure ang mapapasama sa demolisyong gagawin sa mga illegal na
straktura sa Boracay.
Layunin dito ay upang hindi maharangan ang daloy ng tubig sa
beach line at maprotektahan ang kalikasan sa isla katulad ng mapuputing
dalampasigang Boracay at kagubatan.
Nakatakda naman ayon kay PENRO-Aklan Iven Reyes na alisin
ang mga illegal na straktura na ito sa susunod na buwan ng Marso.
Ang mga gusali at istrakturang pasok sa 25+5 meters ay
siyang kinukonsiderang illegal structure sa Boracay. #ecm012013
No comments:
Post a Comment