Posted February 7, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Kaawa-wa ang sinapit ng isang sanggol matapos itong
makitang wala ng buhay at nakabalot ng damit, bed sheet at garbage bag sa Material
Recovery Facility o (MRF) sa Barangay Manoc-manoc Boracay alas nuebe ng umaga
kahapon.
Sa report ni PO2 Lyn-lyn Agapito ng Women and Children
Protection Desk ng BTAC, isa umanong tawag ang kanilang natanggap mula sa
supervisor ng MRF na may nakita umanong sanggol si Nanie Elano habang ito ay
nagse-segregate ng basura.
Base sa kanilang imbestigasyon isang lalaki at walong
buwan na ang naturang sanggol.
Napag-alaman na ang basurang na-segregate ay galing sa
Barangay Balabag.
Samantala, patuloy pang ini-imbestigahan ng mga otoridad
ang naturang kaso kung saan agad namang pinamisahan ng Manoc-Manoc Brgy.
Council ang naturang sanggol at inilibing sa Manoc-Manoc Cemetery.
No comments:
Post a Comment