Posted February 6, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sa naging panayam ng himpilang ito kay Executive
Assistant IV Rowen Aguirre ng LGU-Malay, mahigpit ang gagawing enforcement sa
long beach ng Boracay kasama na ang pagbibigay ng implementasyon sa mga bangka
at paraw.
Katunayan, sinimulan na nila ang pag-rescue sa mga batang
lagalag at pagsita sa mga bangkang wala sa mooring area o tamang pantalan.
Aniya, sumulat na sila ng Memorandum sa opisina ni Mayor
Ceciron Cawaling upang mabigyang aksyon ang beach regulations, kung saan kasama
dito ang MSWDO sa katauhan ni Magdalena Prado at kapulisan, para tuloy-tuloy
ang implementasyon at maging maayos na ang beach line pati na ang mga existing
ordinances dito.
Kaugnay nito, simula na ang pagdating ng mga security
forces para sa seguridad sa isla kung saan sa Pebrero 13 sa susunod na linggo
inaasahang darating ang isang daan na delegates ng ASEAN kung saan ito ay
kinabibilangan ng bansang Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, Myanmar,
Vietnam, Brunei, Cambodia at Laos.
Samantala, hindi na umano dadaanan ang mga bisita sa
Cagban Port dahil sa front beach na ito dadaan papuntang Paradise Garden kung
saan gaganapin ang pagpupulong.
Kaugnay naman sa traffic management plan, magpupulong
umano sila ni Malay Transportation Cesar Oczon para ma-isapinal na ang re-routing
na gagawin sa mga sasakyan sa isla.
Samantala, apela naman ni Aguirre sa publiko, kung maaari
ay makipag-cooperate at huwag munang magreklamo sa mga inconveniences o abalang
maidudulot nito, ang importante aniya dito ay mabigyan ng magandang serbisyo
ang mga bisita, nang sa ganun maipakita naman sa mga ito na karapat-dapat na
premiere tourist destination ang isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment